-- Advertisements --
Tiniyak ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francisco Dakila Jr. na walang epekto sa Gross International Reserves (GIR) ng bansa ang gagawing pag-ambag ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Maharlika Wealth Fund.
Ayon kay Dakila, ito ang dahilan kung bakit kanilang iminungkahi na dibidendo ng BSP ang pagkunan ng start up fund at subsequent contribution nila sa MIF.
Ito ay upang ma-preserba ang GIR at ang tanging maapektuhan lang ay ang pagpuno sa capitalization ng BSP.
Dagdag pa ni Dakila ang dividends ay nasa Philippine Peso currency kayat walang magiging impact sa Gross international reserves GIR na siya namang nasa foreign currency.