Kinilala ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang ambag sa peace and order campaign ng mga lehitimong gun owners.
Ang pahayag ay ginawa ni Eleazar sa kanyang pangunguna sa pagbubukas ng Tactical, Survival and Arms (TACS) Expo ng Armscor Global Defense kahapon.
Ayon kay Eleazar ang karamihan sa mga gun enthusiasts ay mga miyembro din ng advocacy groups na nagsusulong ng responsible gun ownership.
Ang mga ito ay nagsisilbi ding force multipliers ng PNP sa pagpapatupad ng peace and order at seguridad partikular ngayong panahaon ng pandemya.
Sinabi ng PNP Chief na striktong ipinatutupad ng Civil Security Group ng PNP ang mga alituntunin sa pag-aari ng baril para masiguro na tanging yung mga kwalipakado lang ang mabibigyan ng pribelehiyo nito.
Magugunitang sinuportahan ni Eleazar ang panukala ng Pangulo na armasn ang mga civilian anti-crime groups kung sila ay maka-comply sa lahat ng alituntunin ng CSG tulad ng mga regular na civilian gun owners.