-- Advertisements --
Binigyang-diin ng Department of Finance (DOF) ang importansya ng pagpasa ng panukalang batas na magtataas sa buwis ng alak at mga e-cigarettes.
Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, dito kukunin ang malaking pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.
Ayon kay Asec. Lambino, maliit lang ang kontribusyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kinakailangang pondo ng UHC.
Inihayag ni Asec. Lambino na nasa 1.2 percent o halos P3 billon lamang ng P257 billion na pondo para sa UHC ang manggagaling sa PCSO.
Kapag naipasa aniya ang panukalang batas, makapagbibigay ito ng nasa P15.8 billion sa unang taon ng implementasyon nito at nasa P111.5 billion pa sa susunod na limang taon.