-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Amber Heard na tinangka siyang patayin ng dating asawang si Johnny Depp.
Sa kaniyang pagharap sa Korte Suprema ng London, na ikinakatakot nito na baka sadyahin o kahit aksidente siya nitoing mapatay.
Dagdag pa ng actress na makailang beses na siya nitong binantaan na papatayin.
Magugunitang inakusahan ng 34-anyos na actress na 14 na beses na siya nitong sinaktan ng 57-anyos na actor mula 2013 hanggang 2016.
Nagsampa rin kaso ang actor laban sa Sun newspaper na tinawag siyang “wife beater”.