-- Advertisements --

Kumuha ng panibagong grupo ng abogado ang Hollywood actress na si Amber Heard.

Ang hakbang ay para maiapila nila ang hatol sa reklamong libel ng dating asawa na si Johnny Depp.

Umaasa ang actress na sa mga abogadong kinuha niya sa Ballard Spahr law firm ay magkakaroon ng panibagong pag-aaral sa kaso ganun sa mga ebidensiya.

Ang mga abogado ay kinabibilangan nina Alex Axelrod at Jay Ward Brown habang mananatili pa rin na abogado niya si Ben Rottenborn.

Nagpasalamat naman ang mga bagong kinuhang abogado at naniniwala ang mga ito na papanig na sa kanila ang korte.

Magugunitang hindi pinaburan ng korte si Heard sa defamation at libel case na isinampa ng dating asawa nito ng isawalat niya ang naging relasyon nila sa isang pahayagan.