-- Advertisements --

Inaasahang hihina pa nang husto at magiging low pressure area (LPA) na lamang ang Bagyong Ambo sa susunod na 12 hanggang 24 oras.

Sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA, halos walang naitalang paggalaw mula sa nasabing sama ng panahon habang binabaybay nito ang Luzon Strait.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kms kanluran hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 45 kph at pagbugsong papalo sa 55 kph.

Nananatili na lamang sa signal No. 1 ang Batanes at Babuyan Islands.