-- Advertisements --

Humina pa lalo ang bagyong Ambo habang tinatahak ang hilagang bahagi ng Bulacan at timog na bahagi ng Nueva Ecija.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sa San Miguel, Bulacan na mayroong dalang lakas ng hangin ng 95 km/hr at pagbugso ng 160 kph.

Bagyong Ambo 1
Bagyong Ambo

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug), southern at western portion of Isabela (Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Aurora, Luna Cabatuan, Naguilian, Benito Soliven, Cauayan, San Guillermo, Dinapigue, San Mateo, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, Santiago, Cordon), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, and the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands.

Habang nasa signal number 1 naman ang mga lugar na kinabibilangan ng Batanes, the rest of mainland Cagayan, the rest of Isabela, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite, Laguna, and the central portion of Quezon (Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Lucena City, Tayabas, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Perez).

Nagbabala rin ang ahensya na may dala pa ring pag-ulan ang nasabing bagyo hanggang sa araw ng Linggo.

Inaasahang sa Lunes ng gabi ay tuluyan ng makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nabanggit na bagyo.