-- Advertisements --

Aabot na sa tatlong dam sa Luzon ang nagpakawala ng tubig sa mga naranasang pag-ulan sa mga sa watershed nito.

Tinukoy nga ng state weather Hydromet division ang mga Dam na ito na Angat at Ipo Dam.

Bukod dito ay nagpakawala na rin aniya ng tubig ang Ambuklao Dam sa Benguet.

Kaugnay nito , isang gate ang binuksan sa nasabing dam na mayroong opening na .30 meter.

Kaninang alas 6 ng umaga, umabot na sa 751.76 ang water elevation sa Ambuklao Dam.

Ito ay malapit na sa normal na high water level nito.

Samantala, patuloy rin na nagbabawas ng tubig ang Angat at Ipo Dam sa Bulacan.

Dalawang gate ang binuksan sa Angat Dam na may 1 meter opening habang isang gate na lang ang binuksan sa Ipo Dam.