
Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng New Bilibid Prison ang isang ambulance driver ng bilibid matapos nitong magtangkang ipasok sa loob ng piitan ang smuggled na tuyong dahon ng Tabako.
Sa isang pahayag , kinilala mismo ng Bureau of Corrections ang hinihinalang lumabag sa standard operating procedures ng kawanihan na si Correction Officer 1 Marvin Ceballos
Ayon naman kay Bureau of Correction Officer-in-Charge Deputy Director Angelina L. Bautista, nahuli si Ceballos ng subukan nitong dalhin sa loob ng Bilibid ang mga tuyong dahon ng tabako.
Sakay umano ng ambulansya ang isang Persons Deprived of Liberty para sa isang emergency referral at doon na ito nakakuha ng pagkakataon na isagawa ang kanyang balak.
Sinabi ni Bautista na sa isang standard operating procedure, “lahat ng mga tauhan at sasakyang papasok sa loob ng NBP ay dumadaan sa masusing pagsisiyasat upang matukoy kung wala itong dala na mga ipinagbabawal na bagay.
Kabilang aniya sa mga ipinagbabawal ay ilegal na droga , cellular telephones, wines, liquors, cigarettes, at iba pang items kabilang na ang mga nakamamatay na patalim at mga dahon ng tabako.
Binigyang diin naman ni Bureau of Correction General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang kanyang direktiba na bantayan ang mga tauhan ng bureau hindi lamang ang mga PDL.