-- Advertisements --
ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong katao kabilang ang dalawang menor de edad matapos sumalpok ang ambulansiya sa motorsiklo sa Sitio Nasagud, Barangay Bolo, Roxas City.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang driver ng motorsiklo na si Kim Casugbo at dalawang menor de edad na backrider na ginagamot ngayon sa ospital.
Ayon sa driver ng ambulansiya na si Iglendo Villaruz ng Barangay Tabun-acan, Pilar, nag-emergency mode na ito dahil may sakay na pasyente na dadalhin sa ospital.
Ngunit biglang nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima.
Tinangka pa ni Villaruz na matapakan ang brake ng sasakyan ngunit naabot pa rin nito ang likurang bahagi ng motorsiklo.