-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Ligtas na ang pasyente at mga staff na sakay ng isang ambulansya na nasunog sa gitna ng emergency operation sa Tiwi, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fire Inspector Lodimer Andez ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malilipot, na hindi agad napansin ng driver ng ambulansya ang senyas ng kanyang mga kasalubong na sasakyan tungkol sa sunog.
Kaagad naman daw naibaba ang pasyenteng isusugod sana sa Legazpi City, pati na ang tatlong first aid rescuers.
Bagama’t ligtas ang mga sakay, naabo naman ang ambulansya.
Batay sa ulat, aabot sa P150,000 ang kabuuang danyos ng pinsala ng sunog sa sasakyan na iniimbestigahan pa ng mga otoridad.