LA UNION – Palaisipan pa rin daw para sa pulisya ang pananambang kay Municipal Councilor Rogelio Concepcion at sa apat pang kasama nito sa Barangay Nagsabaran Norte sa bayan ng Balaoan, La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Capt. Juanito Buaron Jr., hepe ng Balaoan Police, na hindi pa rin sila makakapagbigay ng konklusyon sa insidente dahil patuloy ang kanilang pakikipag-unayan sa mga biktima.
Hindi naman isinasantabi ng pulisya ang angulo sa politika sa nangyaring pananambang o kung mga kaugnayan ang ito sa mga nakaraang insidente.
Kinumpirma ni Buaron na nasa mabuti ng kalagayan ng mga biktima na pare-parehong tinamaan ng bala sa mga paa.
Samantala, una ng sinabi ni Atty. Reddy Balarbar, Assistant Director ng Commission on Elections (Comelec) Regional Office Region 1, na sa araw ng Lunes ay posibleng sasailalim na sa Comelec control ang naturang bayan dahil sa mga sunod-sunod na karahasan sa naturang bayan.