-- Advertisements --

Kinondena ng Department of Health ang insidente ng pagpaslang sa medical chief ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Dr. Roland Cortez at driver nito kaninang umaga.

“The DOH denounces all violent acts committed against healthcare workers, especially during these difficulat times,” ayon sa isang statement.

Batay sa ulat nang Quezon City Police District Station 3, patay na nang matagpuan sa loob ng pulang Toyota vios si Cortez, kasama ang driver nitong si Ernesto Dela Cruz.

Sa inisyal na imbestigasyon, riding-in-tandem ang itinuturong suspek sa pamamaril.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Health department sa naulilang pamilya ni Dr. Cortez at Dela Cruz kasabay ng pangakong hustisya sa kanilang pagkamatay.

Roland Cortez NCMH
National Center for Mental Health chief, Dr. Roland L. Cortez

“Dr. Cortez was a respected leader who sought to treat clients with utmost dignity.”

“DOH is coordinating with authorities and the PNP-CIDU to ensure that the perpetrators are prosecuted to the fullest extent of the law.”

Noong Abril nang lumutang ang pangalan ni Cortez bilang nasa likod ng endorsement para malipat ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Las Piñas City si dating NCMH executive director Dr. Clarita Avila.

Nilinaw noon ng DOH na may mga paglabag si Avila sa loob ng institusyon kaya nito hiniling na ma-transfer ang opisyal.