Paghihiganti ang nakikitang motibo ng PNP sa nangyaring pananambang sa Nueva Ecija, kagabi na ikinasawi ng apat na indibdwal kabilang ang isang pulis.
Ayon kay PNP chief Oscar David Albayalde, batay sa impormasyon na ibinigay sa kaniya regional police director sa lugar, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nag retaliate ang mga suspek sa mga pulis na nagsasagawa ng surveillance operations laban sa isang criminal group.
“Actually yes napatay yung isang pulis. As of thistime hindi pa na identify. Ang lumalabas dito according to the RD its something within among themselves, parang binabalikan, its a form of
retaliation yung tinitignan na anggulo ng imbestigador,” wika ni Albayalde.
Patay ang isang pulis at tatlong sibilyan, habang apat ang sugatan ng tambangan ang mga ito ng mga armadong kriminal sa may national highway sa Barangay Tampac, Nueva Ecija, Martes ng gabi.
Sa naturang insidente, patay on the spot sina Ronaldo Sambrano, Alfonso Sambrano at Erick Fardo, habang dead on arrival sa hospital si Police Officer 3 Ruben Tandungan.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga sugatang pulis na nakilalang si PO3 Christopher Delfin, PO1 Mico Serrano, Raymundo Delfin at Orlando Balmater.
Sinabi ni Albayalde na ongoing ang hot pursuit operations laban sa grupo ni Jay-ar del Rosario na nanguna sa pananambang.
Positibong kinilala si Del Rosario ng isa sa mga survivors.
Sinabi naman ni Nueva Ecija Police Chief Superintendent Eliseo Tanding na positibong kinilala ni PO3 Delfin si Del Rosario bilang isa sa mga nakasakay sa motorsiklo na humarang sa van at saka pinaulanan ng bala.
Nagsasagawa ng surveillance operations ang mga pulis laban sa robbery at gun for hire group ni Del Rosario ng sila ay tambangan.22