-- Advertisements --

Pinarangalan ng Producers Guild of America o PGA ang American Actor na si Tom Cruise ng lifetime achievement award sa hollywood.
Sumikat ang 60-year old na si Tom Cruise bilang bida sa Risky Business, Cocktail, A Few Good Men at iba pang mga pelikula na talaga namang pumatok sa takilya.
Kabilang sa kanyang producing credits ang Vanilla Sky, The Last Samurai, the Mission: Impossible movies at Maverick, na humakot ng halos $1.5 billion sa worldwide box offices.
Todo pasasalamat naman ang american actor sa nakuhang lifetime achievement awards.