-- Advertisements --
Nagdesisyon ang actress na si Jenny Slate na hindi na ito gaganap bilang Miss Foreman-Greenward sa animated comedy na “Big Mouth”.
Gamit kasi ang boses ng actress sa nasabing character mula sa Netflix show noon pang 2017.
Sinabi nito na dapat ibinibigay sa mga black actress ang mga black character sa animated show.
Paliwanag pa nito na ang pagtanggap niya ng nasabing voiceover job ay itinuturing niya noon na halimbawa ng “white previlidge”.
Lumalabas din ang 38-anyos na actress sa pelikulang “Obvious Child” ,”Parks and Recreation” at maraming iba pa.