-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actress na si Kathryn Kates sa edad 73.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo matapos ang ilang taon na pakikipag-laban sa lung-cancert.

Mahigit 20 taon na itong nakipaglaban sa nasabing sakit niya hanggang sa hindi na nakayanan ng kaniyang katawan, dagdag pa ng kapatid nitong si Josh.

Isinilang sa New York bago tuluyang lumipat sa Los Angeles noong 1974 para ipursige ang kaniyang acting career.

Umabot sa mahigit tatlong dekada ang kaniyang TV career kung saan sumikat ito sa ’90s sitcom na “Seifield” kasama sina Jerry Seinfield at Julia Louis-Dreyfus.

Kabilang din siya sa ilang Netflix series gaya ng “Orange si the New Black” at ang legal drama na “The Good Fight”.