-- Advertisements --
Pumanaw na ang American actress na si Kirstie Alley sa edad 71.
Ayon sa pamilya nito na dinapuan umano ito ng cancer at hindi na sila nagbigay pa ng dagdag na detalye.
Sumikat ang actress sa comedy series na “Cheers” mula 1980 hanggang dekada 90.
Nagwagi ito sa Emmy award at Golden Globe dahil sa nasabing comedy series.
Lumabas din siya sa pelikulang “Look Who’s Talking” at ilang mga TV series.
Nanguna naman ang actor na si John Travolta na nagpahayag ng kalungkutan ng malaman ang pagpanaw ng actress na nakasama nito sa pelikula.