-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang American actress na si Raquel Welch sa edad 82.

Kinumpirma ito ng kaniyang manager matapos ang pagkakasakit.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang mga kaanak nito ukol sa kaniyang kamatayan.

Nakilala ang actress sa pagganap niya sa pelikulang “Fantastic Voyage” at “One Million Years B.C” noong 1956.

Itinuturing siya bilang pinaka-seksing actress mula dekada 60 at 70.

Nakakuha rin ito ng mga awards gaya ng Golden Globe para sa Best Motion Picture Actress in Musical or Comedy para sa pelikulang “The Three Musketeers” noong 1974.

Kinilala si Welch bilang isa sa “100 Sexiest Stars in Film History” ng Empire magazine noong 1995 at ranked number 3 ng Playboy’s “100 Sexiest Stars ng 20th Century”.