-- Advertisements --

Napilitang mag-divert sa Rome ang American Airlines flight matapos na makatanggap ng bomb threat.

Ang nasabing pampasaherong eroplano ay galing sa New York at patungo sana sa India ng makatanggap sila ng bomb threat.

Dahil dito ay napilitang i-divert ng piloto ang flight sa Roma subalit pagdating doon ay walang anumang nakitang bomba.

Makikita pa na bago lumapag sa Rome-Fiumicino airport ang Boeing 787-9 ay in-escortan ito ng Italian Air Force Eurofighters.

Mananatili muna sa Roma ang eroplano ng isang araw bago ito tuluyang bumiyahe sa India.