-- Advertisements --
lawson
Jarrion Lawson/ Photo from IAAF

Pinatawan ng apat na taong suspensyon ang American long jumper at sprinter na si Jarrion Lawson matapos magpositibo sa paggamit ng banned substance na epitrenbolone.

Ito ay batay sa naging anunsyo ng Athletics Integrity Unit (AIU) sa kanilang twitter account.

Una na rin silang nagpataw ng provisional suspension kay Lawson noong Agosto 2018.

Giit naman ni Lawson, hindi raw ito gumagamit ng naturang mga substance na posible raw nakapasok sa kanyang katawan sa pagkain ng kontaminadong karne ng baka.

Nakatakda naman daw nilang iapela ang pasya sa Court of Arbitration for Sport.

“I am innocent and I maintain confidence that eventually things will be righted,” pahayag ng atleta. (Reuters)