-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang author na si Joan Didion sa edad 87.

Ayon sa kampo nito na dinapuan ng Parkinson’s disease si Didion.

Noong 1960 ng magsimulang sumulat si Didion bilang practitioner ng “new journalism”.

Sumikat siya sa kaniyang essay collection na “Slouching Toward Bethlehem” noong 1968 na tumatalakay sa kultura sa California.

Ilan sa mga librong inilabas nito ay ang “A Book of Common Prayer” at non-fiction na “Miami” at “Salvador” na mismong iprinisenta sa National Medal of Arts noong 2013 ni President Barack Obama.