-- Advertisements --

Opisyal ng kinilala bilang pambansang ibon ng US ang bald eagle.

Ito ay matapos na pirmahan na ni US President Joe Biden ang panukalang batas na ipinasa ng kongreso.

Mula kasi noong 1782 ay lumalabas na ang bald eagle sa Great Seal of the United States na ginagamit sa official documents.

Sa nasabing taon ay naging national emblem ang bald eagle na inilalagay sa mga dokumento at presidential flag sa military insignia at maging sa pera ng US.

Itinuturing bilang indigenous ang bald eagle sa North America.