-- Advertisements --
Planong bilihin ni billionaire Mat Ishbia ang NBA team na Phoenix Suns at WNBA team na Phoenix Mercury.
Kasunod ito sa naging anunsiyo ng nagbitiw na may-ari na si Robert Sarver noong Setyembre.
Base sa Suns na inaayos na nila ang nasabing pagbili ni Ishbia ng koponan na nagkakahalaga ng $4-bilyon.
Magugunitang pinatawan ng 1-year suspension si Sarver dahil sa imbestigasyon sa alegasyon ng hindi magandang pakikitungo sa mga katrabaho.
Si Ishbia ay pangulo at CEO ng United Wholesale Mortage sa Michigan