-- Advertisements --
Nananatiling wala pa ring talo ang American boxer na si Jaron Ennis.
Ito ay matapos na patumbahin niya sa ika-anim na round si Eimantas Stanionis at makuha ang IBF at WBA welterweight belts sa laban na ginanap sa Atlantic City.
Sa unang round ay naging-agresibo ang 30-anyos na si Stanionis kung saan pinaulanan ito ng mga body shots.
Pagdating ng ika-apat na round ay bumawi ang 27-anyos na si Ennis at tinarget ang katawan ng Lithuanian boxer.
Dahil dito ay mayroon ng malinis na 34 panalo at wala pang talo na mayroong 30 knockouts si Ennis habang si Stanionis ay mayroong 15 panalo at isang talo na mayroong siyam na knockouts.