Pumanaw na ang American boxer na si Patrick Day matapos magtamo ng seryosong brain injury sa laban nila ni Charles Conwell kamakailan.
Mismong ang promoter nito na si Lou DiBella ang nag-anunsyo ng ulat matapos ang ilang araw na pagka-comatose nito.
“On behalf of Patrick’s family, team, and those closest to him, we are grateful for the prayers, expressions of support and outpouring of love for Pat that have been so obvious since his injury,” ani DiBella.
Kung maaalala, isinugod si Northwestern Memorial Hospital ang 27-year old boxer nang matalo via knockout sa 10th round ni Conwell.
Pinaglabanan nila ang Super-Welterweight belt sa Wintrust Arena, Chicago.
Kaugnay nito nanawagan si DiBella sa mga opisyal sa Amerika na mag-adopt ng safety standards sa boxing.
Si Day kasi ang ikatlong boxer na namatay ngayong taon dahil sa matinding injuries na tinamo.
“It becomes very difficult to explain away or justify the dangers of boxing at a time like this.”
“This is not a time where edicts or pronouncements are appropriate, or the answers are readily available. It is, however, a time for a call to action.”
Una nang nagpaabot ng kanyang dasal si Conwell habang nakaratay pa sa intensive care unit ng ospital si Day.
Humingi rin ito ng tawad sa kampo ng nakalabang boxer.(AFP)