-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinuri ng isang American Citizen ang panawagan section ng Bombo Radyo Iloilo matapos na naibalik sa kanya ang nawawalang cellphone.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sara Jo Boysen ng Minnesota, U.S.A, sinabi nito na nawala ang kanyang cellphone noong Oktubre 1.

Ayon kay Boysen, sumakay siya at ng kanyang mga kasamahan sa taxi mula sa Iloilo International Airport patungo sa isang hotel sa lungsod ng Iloilo.

Ikinagulat ni Boysen ng malaman nitong nawawala ang kanyang cellphone at hindi rin nila matandaan kung anong taxi unit ang kanilang sinakyan.

Inihayag ni Boysen na may nakapagsabi sa kanya na ipinagkatiwala ng driver na si James Sencil sa Bombo Radyo ang nawawalang cellphone.

Dahil dito, lubos na nagpapasalamat ang American Citizen at pinuri ang taxi driver at ang Bombo Radyo dahil naibalik ang kanyang cellphone bago pa man ang kanyang flight pabalik sa Estados Unidos.