Muling nagpakitang gilas ang tinaguriang American daredevil na si Nik Wallenda.
Ito ay sa pamamagitan ng paglakad sa ibabaw ng Masay volcano sa Managua, Nicaragua.
May taas na 2,083 talampakan ang active volcano at pang-walo sa buong mundo na may active lava lake.
Nagsimulang lumakad sa tight rope si Wallenda sa 550-meter sa tinaguriang “The Mouth of Hell”.
May suot itong goggles at respirator para na rin sa kaniyang kaligtasan mula sa noxious gases.
Muntik pa itong mahulog dahil sa hangin at kaunting gases na humaharang sa kaniyang paningin.
Unang lumakad si Wallenda sa Naigara falls ganun din sa dalawang gusali sa Chicago habang naka-blinfold.
Galing sa Great Wallendas family of stunt daredevils and circus performers si Nik.
Noong 2016 ng bumaba sa crater si American explorer Sam Crossman habang suot ang special suit habang noong 1538 ay bumaba rin sa crater ng nasabing bulkan si Friar Blas del Castillo dahil sa pinaniniwalaan nito na ang lava ay ginto.