-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating “American Idol” contestant na si CJ Harris sa edad 31.

Ayon sa kaanak nito na inatake siya sa puso habang nasa bahay nila sa Jasper, Alabama.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na umabot pa.

Umabot ng hanggang top 6 noong 2014 si Harris sa nasabing reality singing contest.

Mula noon ay tumugtog na siya sa ilang mga local bars sa Alabama.

Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang mga nakasama nito sa contestant.