-- Advertisements --

Itinanggi ng kampo ng TV host na si Ryan Seacrest na ito ay na-stroke.

Seacrest Ryan
Ryan Seacrest/ Twitter image

Ito ay matapos na punahin ng mga fans ng “American Idol” ang kaniyang hitsura at pananalita.

Sa isinagawang finale ng nasabing sikat na reality show ay may kakaiba sa boses at maging ang mata nito.

Maraming fans ang nagsabing dumanas ito ng stroke.

Ayon sa kampo ng tv host na gaya ng karamihan ay nag-aadjust ito sa tinatawag na new normal na nagtatrabaho habang ito ay nasa kaniyang bahay.

Mula pa noong 2002 ng magsimula ang nasabing reality talent show ay naging host na si Seacrest.