-- Advertisements --
Napili ang singer na si Carrie Underwood na isa sa mga magtatanghal sa inauguration ni US President-elect Donald Trump.
Ayon sa presidential inauguration committee na kakantahin ng singer ang patriotic tune bago ang tuluyang paghalala sa opisina ni Trump bilang pang-47 na pangulo ng US.
Labis naman ikinatuwa ng “American Idol” singer ang pagkakapili sa kaniya na kumanta sa pag-upo ni Trump.
Gaganapin ang pormal na pag-upo sa opisina ni Trump sa darating na Enero 20.