-- Advertisements --

Kinansela ng American indie-pop band LANY ang konsiyerto nito sa Australia at New Zealand.

Kasunod ito ng pagkakaaksidente ng isa nitong miyembro na si Paul Klien.

Sa social media account ni Klein na patuloy na itong nagpapagaling.

Sinabi nto na habang lulan siya ng kaniyang motor ay binangga siya ng kotse.

Wala na siyang naalala sa insidente at nagising na lamang siya na lulan nakasakay sa ambulansiya.

Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga fans ng LANY sa Australia at New Zealand kung saan sinabing itutuloy ang konsiyerto kapag tuluyan na itong gumaling.