Pinakawalan na ng Myanmar ang American journalist na si Danny Fenster.
Isanagawa ang pagpapalaya ilang araw matapos na siya ay hatulan ng 11 taon na pagkakakulong ng military court sa Myanmar.
Sinabi ni Myanmar military spokesperson Zaw Min Tun na matapos na siya ay pakawalan ay agad itong diniport.
Isinabay ang pagpapakawala kay Fenster matapos ang pagbisita ni Myanmar military official at dating New Mexico Governor Bill Richardson na nagsagawa ng private humanitarian visit.
Nakausap ni Richardson ng harapan si Min Aung Hlaing ang lider ng military junta ng Myanmar.
Si Fenster ay dating managing editor ng Frontier Myanmar isang independent news outlet na nag-ko-cover ng current affairs , business at politics.
Inaresto si Fenster noong Mayo dahil umano sa pagpapakalat umano ng mga maling balita.