-- Advertisements --

Inaresto sa Cayman Island ang model na si Gigi Hadid matapos makuhanan ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Galing sa US pagdating sa Owen Robert International Airport noong Hulyo 10 lulan ng private jets ay nakita ng mga taga customs sa kaniyang bagahe ang mga kontrabando.

Inilagay umano ng mga Customs and Border Control agents ang kaniyang mga bagahe sa scanner at nakita ang ilang mga marijuana at mga drug paraphernalia.

Bagamat itinuturing na ito ay para sa personal gamit lamang ay inaresto pa rin ang modelo at mga kasamahan nito.

Kinasuhan ang mga ito ng importation of marijuana at importation of utensil to smoke the cannabis.

Matapos na maiproseso ang mga dokumento nito sa Royal Cayman Island Detention Center ay agad naman itong naghain ng kaniyang piyansa ng $1,000.