-- Advertisements --
BUREAU OF IMMIGRATION

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagkakasangkot nito sa sex crimes sa Estados Unidos.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspect na si Thomas Henry Vander Waal, 39 anyos.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 si Waal sakay ng isang flight mula sa Taipei, Taiwan.

Ayon kay Tansingco, kaagad silang nag isyu ng exclusion order laban kay Waal matapos na makita sa listahan ng BI ang kanyang pangalan na kabilang sa mga registered sex offenders.

Nilinaw rin ng opisyal na mahigpit nilang ipinagbabawal na makapasok sa bansa ang isang indibidwal na nahatulan ng isang krimen na may kinalaman sa Moral turpitude dahil ito ay malinaw na undesirable aliens.

Batay sa impormasyong ibinigay National Central Bureau ng Interpol si Waal ay hinatulan ng kasong sex offense na inihain ng pamilya ng isang menor de edad sa kanilang bansa.

Sangkot umano si Waal sa child pornograph, sexual abuse at pangmomolistya sa 15 anyos na bata.

Inihayag rin ni Tansingco na naglabas na siya ng kautusan upang mapabilang sa blacklist ng BI para sa mga unwanted aliens.