-- Advertisements --
NAIA

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na convicted sa kasong rape.

Kinilala ang pugante na si Charles Harry Cooper, 66 anyos.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport si Cooper sakay ng isang China Air na galing Taiwan.

Ayon sa kanya, nagdesisyon itong pumunta sa Pilipinas upang magbakasyon bilang turista at ito ay mamamalagi sa isang hotel sa Pasay City.

Paliwanag ng Immigration, nakatanggap sila ng impormasyon na na hatulang guilty si Cooper sa kasong rape noong 2009 sa Estados Unidos.

Dahil dito ay iginiit ng Immigration na kailangan na itong bumalik sa kanilang bansa.

Una nang sinabi ni Bureau of immigration Commissioner Norman Tansingco na walang puwang sa bansa ang mga sex offenders.