CEBU CITY – Iniimbestigahan ng PNP ang umano’y pagpapakamatay ng isang American national sa balkonahe ng isang hotel sa Brgy. Mabolo, sa lungsod ng Cebu.
Dead on the spot ang biktimang si Michael Douglas Hunter, 66, matapos umanong tumalon mula sa eight floor ng isang hotel.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa hepe ng Mabolo Police Station na si Major Dindo Alaras, sinabi nito na unang nagkasama sina Hunter at kanyang Filipina girlfriend sa naturang hotel.
Napag-alaman ni Alaras na hindi makapaniwala ang kasintahan na ginawa umano ni Hunter ang pagpapakamatay lalo na’t hindi nya alam kung may iniinda ba itong problema.
Dagdag pa ng hepe, ilang beses nang nagbanta ang American national sa girlfriend na magpapakamatay ngunit binalewala naman ito.
Nananatiling blangko pa ang mga otoridad kung ano ang naging motibo sa pagtalon umano ni Hunter mula sa balkonahe ng hotel at kung may foul play ba ito.
Nakikipag-ugnayan naman ang Mabolo PNP sa mga kakilala at family members ng biktima upang malaman kung may iniinda bang problema ang dayuhan.