KALIBO, Aklan – Mahaharap sa kasong physical injury, direct assault at disobedience ang isang American national matapos manlaban sa mga rumespondeng pulis kasunod ng pananapak nito sa isang security guard sa beachfront ng Station 1, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.
Kinilala ang suspek na si Sirjoe Besintino, 38; habang ang security guard na sinabpa nito ay si Erwin Venus, 33, residente ng Brgy. Gibon, Nabas.
Base sa imbestigasyon ng Boracay PNP, natukoy na habang nagbabantay sa Pontoon si Venu ay biglang lumapit si Besintino at sinubok nitong pumasok doon at agad naman niya itong hinarang.
Dahil dito, nagalit daw ang Amerikano dahilan para sapakin nito ang gwardiya na tinamaan sa kanyang kaliwang tainga.
Sa pagresponde ng mga pulis ay tuloy pa rin sa pag-eeskandalo ang dayuhan, naging arugante pa ito at nanlaban sa mga otoridad.
Sa ngayon ay nakakulong na sa Boracay PNP Station si Besintino at nakatakdang maharap sa patong-patong nakaso.