-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Di lubos akalain ng mga ka-anak ng isang American national na ang pagbakasyon nito sa Pilipinas, kasama ang kanyang legal spouse na Pinoy na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender kon LGBT community ay syang maghahatid nito sa kamatayan matapos mabiktima ng panghoholdap kungsaan nabaril ito dakong alas-9:00 kagabi, Pebreo a-2.

Nakilala ang biktimang si Ralph Eugene Manecke, 56-anyos, residente ng Boston, Massachusetts, na naholdap at nabaril-patay sa Hills’ View Inn ng Purok 5, Brgy. Pulang Lupa ng nasabing bayan.

Napag-alamang nag-withdraw umano ng 50-libong piso ang biktima, asawa nito upang may magagamit sila sa kanilang pagbakasyon kungsaan mula na sila sa Surigao area.

Nang nasa vicinity na sila sa Hill’s View, ay may isang lalaking lumapit sa kanila sabay baril sa dayuhan at kaagad na inagaw ang sling bag ng partner nito at saka tumakas.