Pumanaw na ang American Olympian na si Rafer Johnson sa edad 86.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Johnson.
Bukod sa pagiging atleta ay isang actor at philanthropist at isang itinuturing na bayani ng US.
Isa kasi siya sa humuli kay Sirhan Sirhan ang gunman na bumaril kay Robert Kennedy ang dating US Attorney General noong 1968 kung saan kinuha nito ang baril ng suspek at itinago sa bulsa para hindi na makadisgrasya pa.
Bilang atleta ay nanalo ito ng gold medal sa decathlon noong 1960 Olympics sa Roma at silver medal naman sa parehas na events noong 1956 Olympic Games.
Naging 2-sports athlete ito sa UCLA dahil bukod sa track and field player ay naglalaro din ito ng basketball.
Napili rin siya ng LA Rams sa 28th round ng NFL Draft noong 1959.
Ilan sa mga pelikula kung saan ito lumabas ay sa “Wild in the Country” kasama si Elvis Presley, “Pirates of Tortuga” at ang James Bond movie na “A License to Kill” na ipinalabas noong 1989.
Itinaguyod niya ang California Special Olympics noong 1969.