-- Advertisements --

Nanguna si pop artist Lizzo sa pinakamaraming nominations sa Grammy awards.
Mayroong kabuuang walong nominations ang 31-anyos na American singers kabilang na ditio ang album at record of the year.
Pumangalawa sa kaniya si alt-pop sensation na Billie Ellish at rapper na si Lil Nas X na may tig anim na nominations.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Lizzo ay “Truth Hurts”, “Good as Hell” , “Juice” at maraming iba pa.
Gaganapin ang nasabing ceremony sa Enero 26, 2020 sa Los Angeles kung saan magiging host dito si Alicia Keys.