-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang American pop rock band na LANY.

Magsasagawa ang nasabing grupo ng apat na gabing konsiyerto sa Bulacan at Cebu.

Pagbaba lamang nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nina vocalist Paul Jason Klein at drummer Jake Goss ay binati sila ng mga fans.

Galing ang grupo sa Indonesi at bahagi ang Pilipinas sa kanilang “A Beautiful Bulr” world tour.

Huling nagtanghal sa bansa ang grupo noong 2022 sa limang-araw na sold-out concert sa Mall of Asia Arena.