-- Advertisements --
Napili ang American rapper na si Snoop Dogg na isa sa mga magdadala ng Olympic flames sa opening ceremony ng Paris Olympics.
Dadalhin nito ang nasabing apoy sa kalsada ng Saint-Denis sa northern Paris kung saan matatagpuan ang Olympic Stadium at Aquatics.
Makakasama niya sina French actress Laetitia Casta, French rapper MC Solaar at Ukrainian retired pole-vaulter Sergey Bubka.
Sa nagdaang dalawang buwan ay nagpalipat-lipat ang Olympic flames sa France at sa umaga ng Biyernes ay dadalhin na ito sa athletic village bago didiretso sa Olympic Stadium at sa Aquatics Center.
Ang 52-anyos na si Snoop Dogg ay isinilang sa Los Angeles na siyang susunod na magiging host ng Olympics sa 2028.