-- Advertisements --

Magsasagawa ng konsiyerto sa bansa ang Grammy-nominated rock band Hoobastank.

Ayon sa organizer nito na gaganapin ang konsiyerto sa Pebrero 12, 2025 sa New Frontier Theather.

Ngayong taon kasi ay ipinagdiriwang nila ang ika-20 taong anibersaryo ng kanilang iconic album na “The Reason”.

Ang nasabing album ay naglalaman ng sikat nilang kanta na “The Reason”, “Same Direction”, “Out of Control”.

Sa darating pa na Nobyembre 22, 2024 magsisimula silang magbenta ng nasabing tickets ng konsiyerto.