Humingi ng paumanhin ang American rock band na Jane’s Addiction matapos na magdesisyon na kanselahin ang kanilang show.
Naganap ang desisyon matapos ang nangyaring alitan sa stage sa concert nila sa Boston ng kanilang bokalistang si Perry Farrell at gitaristang si David Navarro.
Ayon sa banda na dahil sa pangyayari ay minabuti nilang kanselahin ang reunion tour sa Bridgeport, Connecticut.
Pagtitiyak nila na maibabalik ang perang ibinayad ng mga fans na nakabili na ng tickets.
Nabuo ang banda noong 1985 sa Los Angeles na ito ay binubuo nina Farrell, Navarro, drummer na si Stephen Perkins at bassist Eric Avery.
Ilan sa mga album na kanilang inilabas ay ang Nothing’s Shocking (1988), Ritual De Lo Habitual (1990), Strays (2003), at The Great Escape Artist (2011).
Pinasikat nila ang mga kantang “Been Caught Stealing”, “Strays”, at “The Great Escape Artist”.
Taong 2013 ng kinilala sila sa Hollywood Walk of Fame.