-- Advertisements --

Magsasagawa ng konsiyerto sa Pilipinas ang American rock band na The Red Jumpsuit Apparatus.

Isasagawa ang nasabing konsiyerto ng grupo sa darating na Setyembre 12, 2024 sa SM North EDSA.

Sumikat ang banda noong 2003 bilang emo band kung saan pumatok ang unang album nila na “Don’t You Fake It”.

Sa panahon iyon ay lumaganap ang kanta nilang “Your Guardian Angel”.

Huling nagtungo sa bansa ang grupo ay noong 2016 sa kanilang “Don’t You Fake It” 10 year Anniversary World Tour.