-- Advertisements --

Pangungunahan ni American rock legend Bruce Springsteen ang concert at rally para ikampanya si Vice President Kamala Harris.

Kabilang sa concert sa Atlanta at Philadelphia sa mga susunod na araw si dating US President Barack Obama.

Ang nasabing lugar kasi ay itinuturing na contested states sa pagitan nina Harris at katunggali nitong si dating US President Donald Trump.

Inaasahan na kakantahin ng 75-anyos na si rockstar ang mga sikat nitong kanta gaya ng “Born to Run”.

Maguugnitang noong 2016 ay naghandog ng tatlong kanta si Springsteen sa harap ng 20,000 katao sa Independence Hall para kay Hillary Clinton ang pambato ng Democrats sa pagkapangulo noon.