-- Advertisements --
Springteen

Magbabalik sa Broadway si American rock icon Bruce Springsteen para sa kaniyang one man show.

Ito ang unang major show sa theater district sa New York na gagawin isang taon matapos na magsara dahil sa COVID-19.

Gaganapin ang “Springteen on Broadway” one man show sa Hunyo 27 na magtatagal ng hanggang Setyembre 4.

Inanunsiyo rin ng producers na dapat ang mga manonood ay magpakita ng full COVID-19 vaccination.

Unang nagtanghal ang “Born to Run” singer mula Oktubre 2017 hanggang Disyembre 2018 kung saan sold out ang nasabing show.