-- Advertisements --

Pumanaw na ang American singer-songwrter na si Angela Bofill sa edad na 70.

Kinumpirma ito ng kaniyang manager na si Rich Engel subalit hindi na nito binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Naulila niya ang asawang si Chris Portuguese at anak na babae na si Shauna Bofill.

Ilan sa mga sikat na kanta ng singer ay ang “Break It to Me Gently”, “I Try” at “This Time I’ll be Sweeter” at maraming iba pa.

Bumuhos naman ang pakikiramay at pagdarasal matapos na malaman ang nasabing balita.