-- Advertisements --

Pumanaw na ang American singer na si Jack Jones sa edad 86.

Ayon sa asawa nitong si Eleanora Jones, nalagutan ang singer sa pagamutan ng Rancho Mirage, California dahil sa sakit nitong leukemia.

Nakilala ang contemporary singer sa mga hit songs niya gaya ng “The Race is On” noong 1965; “The Impossible Dream (The Quest) noong 1966 at “Lady” noong 1967.

Naging actor din siya kung saan ilan sa mga pelikula kung saan siya bumida ay ang 1959 musical na “Juke Box Rhythm” at ang “The Comeback” noong 1978.

Pawang mga artista ang magulang niya na sina Harvey at Allen Jones.